De Lima, hinamon ni DOJ Sec. Aguirre na sagutin ang mga alegasyon sa Bilibid drug connection

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Hinamon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Sen. Leila de Lima na isa-isang itanggi ang detalye ng mga paratang laban sa kanya kaugnay sa illegal drugs trade sa loob ng Bilibid.

Giit ni Aguirre hindi uubra ang general denial ng senadora sa lahat ng mga alegasyon sabay banggit na hindi rin ito uubra sa testimonya ng mga preso at iba pang testigo na humarap sa pagdinig sa Kamara.

Kasama umano sa dapat na linawin ni De Lima ay ang direktang pagtawag sa kanya ni Jaybee Sebastian bilang protektor ng iligal na droga at ang mga pag abot sa kanya ng pera nina Sebastian at ng dalawang testigo mula sa NBI.

Gayundin ang pahayag ng kanyang dating security aide na si Joenel Sanchez tungkol sa relasyon nila ni Ronnie Dayan.

Kaugnay naman sa pagtawag sa kanya ni De Lima bilang master of fakery, ang naging tugon dito ng kalihim ay, “I might be losing my hair, but im not losing my mind.”

Samantala, sa kabila naman ng pagharap ni Sebastian sa Kamara, iginiit ng kalihim na hindi pa rin siya bibigyan ng immunity dahil naniniwala siyang hindi ito nagsasabi ng buong katotohanan.

Read more...