Inanunsyo ng Department of Health na halos nangangalahati na ang konstruksyon ng Mega Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Nueva Ecija.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, ang itinatayong rehab center sa Fort Magsaysay ay may kapasidad na 10,000 pasyente.
Agad nagsimula ang pagpapatayo ng pasilidad nang magtungo siya sa China para sa paglagda ng deed of donation noon lang nakaraang buwan.
Itinatayo ang pasilidad sa lupain may lawak na 100,000 square meter at ito ay donasyon ng Chinese businessman at philanthropist Huang Ru Lun, na walang negosyo sa bansa.
Dagdag pa ni Ubial sa darating na Sabado, Oktubre 15, ay may magaganap nang partial turn over ng 2,500 kama at ang natitira ay makukumpleto pagsapit naman ng Nobyembre 16, ngayon taon.
Inaasahan na magiging fully operational ang pasilidad sa unang linggo ng susunod na buwan kayat minamadali na rin ang recruitment ng mga personnel.