Sa isang rekomendasyon, sinabi ng UN Committee on Economic, Social, and Cultural Rights na dapat nang itigil at pigilan ang EJK sa bansa o anumang uri ng bayolenteng hakbang laban sa mga drug users.
Bukod dito, binalaan din ng komite ang mga opisyal sa Pilipinas na nagbibitaw ng mga pahayag na nanghihikayat na gumawa ng karahasan.
Hinimok din ng naturang panel na masusing paimbestigahan ang lahat ng mga napaulat na kaso ng EJK at parusahan ang mga pumapatay.
Dapat din aniyang tiyakin na ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa droga ay walang ‘discriminatory impact’ sa nasa marginalized sector.
Kasabay nito, ikinabahala ng UN Committee on Economic, Social, and Cultural Rights ang mga pahayag ng matataas na opisyal sa Pilipinas na pawang nanghihikayat pa gawing lehitimo ang mga bayolenteng hakbang laban sa mga drug users.