Chikungunya outbreak, idineklara sa isang lungsod sa Leyte

ChikungunyaNagdeklara na ang regional office ng Department of Health ng chikungunya outbreak sa lungsod ng Maasin sa Leyte.

Ito ay matapos makapagtala ang tanggapan ng 548 kaso ng naturang sakit sa lungsod nitong nakalipas na tatlong buwan.

Ayon kay DOH 8 spokesperson Ma. Elena Joy Villarosa, ang mga biktima ay mula siyam na buwan hanggang 85 anyos.

Dagdag pa nito, na ang pinakaapektado ay ang mga barangay ng Ibarra, Pasay at Maria Clara.

Sinabi pa ni Villarosa na pinaigting na rin nila ang kampaniya laban sa Zika virus bunsod ng pagkakaroon na rin ng ilang kaso sa bansa.

Aniya nakikipag ugnayan na sila sa Bureau of Quarantine ukol dito sabay dagdag na kinakailangan din na ma-disinfect ang mga lumalapag na eroplano sa rehiyon bago pinalalabas ang mga pasahero.

Read more...