Paggamit ng megaphone sa police anti crime ops, hindi benta kay Sen. Ping Lacson

de lima lacsonHindi nakikita ni Senator Ping Lacson ang katuwiran sa nais ni Senator Leila de Lima na gumamit ang mga pulis ng megaphone sa kanilang anti crime operations.

Ayon kay Lacson, na dating hepe ng pambansang pulisya, malalagay sa alanganin naman ang kaligtasan ng mga pulis kung kailangan munang balaan ang mga tao na pakay ng kanilang mga operasyon, partikular na ang kanilang mga aarestuhin.

Dagdag pa nito maaring din mabigyan ng pagkakataon ang mga kriminal o suspek na makatakas.

Bagamat aminado si Lacson na hindi pa niya nabasa ang panukalang-batas na inihain ni de Lima kaugnay sa extra judicial killings.

Sa hiwalay na panayam naman kay de Lima, inamin nito na may disadvantage ang nais niyang paggamit ng megaphone ng sa mga police operations.

Aniya naisip lang naman niya isingit ang paggamit ng megaphone sa kanyang panukala sabay giit na dadaan pa naman ito sa matinding pagsusuri ng mga kapwa senador at deliberasyon sa Senado.

Read more...