Palasyo, nagpadala na ng imbitasyon sa UN Rapporteur

Callamard
Photo from Agnes Callamard Twitter account

Inimbitahan ng Malacañang si United Nations Rapporteur Agnes Callamard.

Ito ay para magsagawa ang human rights body ng imbestigasyon hinggil sa umano’y nagaganap na extra judicial killings sa bansa bunsod ng pinaigting na kampanya kontra sa illegal na droga.

Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, sinabi sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na napadalhan na ng imbitasyon si Callamard at hinihintay na nila ang tugon nito.

Dagdag ni Abella, may hiling ang Pangulong Rodrigo Duterte kay Callamard at ito ay imbestigahan din ang mga napapatay na pulis sa operasyon kontra sa ilegal na droga.

Sa ngayon, tanging sa UN pa lamang ang imbitasyon at wala pa kay US President Barack Obama at sa European Union.

Matatandaang una nang sinabi ng pangulo na iimbitihan niya ang UN, EU at si Obama na magtungo sa Pilipinas para magsagawa ng imbestigasyon sa EJK.

Read more...