Pulis inaresto ng PDEA sa pagbebenta ng shabu sa Zamboanga

Zamboanga CityInaresto ang isang pulis ng mga ahente ng PDEA sa isang entrapment operation sa lungsod ng Zamboanga.

Sinabi ni PDEA Director General Isidro Lapena si PO2 Mukramin Iddi Nani ay nakatalaga sa Pangutaran Municipal Police Station sa Sulu.

Aniya sa kanilang operasyon sa Barangay Sinunuc, nakumpiska nila mula kay Nani ang dalawang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18,000.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Nani.

Read more...