Tuberculosis, pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga preso sa bansa

FILE PHOTO / RUEL PEREZ
FILE PHOTO / RUEL PEREZ

Nananatiling tubercolosis ang pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga inmate sa bansa.

Ayon kay Beatriz Karottki, health coordinator ng International Committee of the Red Cross (ICRC) kung pagbabatayan ang mga datos galing sa New Bilibid Prisons (NBP) noong taong 2015 nasa 540 mga inmate ang apektado ng sakit.

Sa Quezon City Jail naman, umaabot sa 285 ang preso na tinamaan ng tuberculosis.

Sa datos naman ng World Health Organization o WHO, mayroong apat hanggang limang inmates sa kada 100 mga inmates ang apektado na ng sakit na TB.

Sa kabuuan, 30 mga Pinoy ang natutukoy kada oras na nagkakasakit ng TB sa bansa kung saan 63 ang namamatay kada araw dahil sa nasabing sakit.

Ang TB ay sakit sa baga na nagagamot naman sa loob ng anim na gamutan.

 

Read more...