Nakatakdang itayo ang kauna-unahang bullet train sa Pilipinas, at ito ay sa ilalim ng Duterte administration.
Kinumpirma ni Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA chairman Martin Diño sa pagdinig ng House Transportation Committee na pipirmahan na nila ang kontrata para sa pagkakaroon ng bullet train.
Sinabi ni Diño pirmahan ay gagawin sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, umpisa sa October 19.
Gayunman, hindi pa tukoy kung magkano ang kontrata para sa pagpapatayo ng bullet train.
Subalit ito aniya ay sa ilalim ng Public Private Partnership o PPP, sa pagitan ng gobyerno at isang pribadong korporasyon ng China.
Ang biyahe ng bullet train ay mula lamang sa Subic hanggang Clark at vice versa, at may haba na 60 kilometers.
MOST READ
LATEST STORIES