Ayon sa kay Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng komite, tatalakayin ang mga panukala kaugnay ng Charter Change sa paraan ng Constituent Assembly o di kaya ay Constitutional Convention.
Muling itutuloy ang pagdinig ng komite pagkatapos ng nakatakdang break ng kamara.
Samantala, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na malaki ang kaniyang paniwala na mananaig ang ConAss matapos na magbago ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu.
Para naman kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, isa sa mga naghain ng panukala pabor sa ConAss, para mas mapabilis ang pagtalakay, maaaring hatiin ng mga mambabatas ang kanilang oras.
Sa umaga ay maari aniya nilang asikasuhin ang kanilang trabaho bilang mambabatas at sa hapon naman ay bilang con-ass members.
Sa halip na Lunes hanggang Miyerkules lamang, sinabi rin ni Benitez na pwede silang magpulong mula Lunes hanggang Huwebes.