Partikular na tutukuyin ang posibilidad na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga security guard ng nasabing mall.
Nagawa kasi ng suspek na makapagpasok ng patalim na ginamit niya sa krimen na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga biktima niya. Napatay din ang suspek na si Carlos Marcos Lacdao ng mga rumespondeng pulis.
Ayon kay PNP-SOSIA Dir. Sr. Supt. Jose Mario Espino, kwestyunable kung paanong naipuslit ang labingdalawang pulgadang patalim ni Lacdao.
Tutukuyin naman ng SOSIA kung sino ang partikular na security guard ng mall na pumalpak sa pagbabantay.