Paaralan sa Culiat Quezon City, nakatanggap ng bomb threat

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Sinuspinde ang pang-umagang klase sa Culiat High School sa Quezon City matapos itong makatanggap ng bomb threat.

Ayon sa guro na si Wynben Domingo, kagabi niya pa natanggap ang pagbabanta sa pamamagitan ng isang text message at kaninang umaga na niya nabasa.

Nakasaad sa mensahe na mayroon umanong bomba na nakatanim sa paaralan at sasabog ito kapag naapakan.

Dahil dito agad na nagpatawag ng mga tauhan ng bomb squad para siyasatin ang buong paaralan.

Nag-negatibo naman sa bomba ang eskwelahan kaya ayon kay Ginang Irene Felipe Cano, principal ng paaralan, tuloy ang klase ng mga mag-aaral mamayang hapon.

 

 

Read more...