Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang Salam compound sa Barangay Culiat sa Quezon City.
Bitbit ang tatlong search warrants, pinasok ng mga tauhan ng pinagsanib na pwersa ng SWAT, District Anti-Illegal Drugs (DAID) at District Special Operations Unit (DSOU) ng QCPD ang nasabing barangay sa pangunguna ni QCPD Director Guillermo Eleazar.
Naghati-hati sa magkakahiwalay na grupo ang mga tauhan ng QCPD, at saka sabayang pinasok ang Culiat sa magkakaibang bahagi.
Kabilang na sa mga nasabat ang isang TNT at isang blasting cap na ayon kay Eleazar ay may kakahayang makapagdulot ng napakalakas na pagsabog.
May narekober na ding taltong baril at labing isang malalaking sachet ng shabu.
Sinabi ni Eleazar na ang operasyon ay bahagi ng kanilang follow-up operation sa lugar na noon ay hirap pasukin ng mga otoridad.
WATCH: Mga tauhan ng QCPD, nagsasagawa ng operasyon ngayong araw sa Culiat, QC | @jongmanlapaz pic.twitter.com/7Xm5K5HOhv
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 11, 2016
WATCH: Mga tauhan ng QCPD kasama ang mga miyembro ng SWAT, nagsasagawa ng operasyon ngayong araw sa Culiat, QC | @jongmanlapaz pic.twitter.com/9lw64EEs1Y
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 11, 2016