Campaign platform ni Binay, ikinakalat via You Tube

Screengrab from youtube
Screengrab from youtube

“The Vision of Jojo Binay in a song”, ito ang titulo ng You Tube upload ng account na may pangalang “pambansang mayor”.

Ang music-video upload ay may habang isang minuto at 59 na segundo at may titulong “Paglingkuran ang Bayan” na awitin ng grupong Asin. Una itong nakita sa You Tube nito lamang isang araw, ika-29 ng Hulyo.

Limang mensahe ang nakapaloob sa music-video. Una, may pagkain sa bawat mesa, ikalawa,alaga ang kalusugan, ikatlo, may aklat at paaralan para sa kabataan, ika-apat, tapat na pamunuan at ika-limang mensahe, giginhawa ang bayan kay Jojo Binay.

Ang music-video upload ay mayroon na itong 564 views na ang You Tube upload ni Binay, sa oras, alas diyes ng umaga ngayong araw na ito./ Gina Salcedo

Read more...