Sa kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Abellanosa lumalabas na siya ay miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Cebu nang mangyari ang sinasabing iregularidad.
Isa umano si Abellanosa na trustee-president ng ACTIEF sa nag-apruba sa City Resolution na nagbibigay ng kapangyarihan sa alkalde na pumasok sa Memorandum of Agreement sa Asian College of Technology International Educational Foundation na popondohan ng gobyerno.
Umabot umano sa P51 milyon ang halaga ng scholarship fund o scholarship na nakolekta ng siyudad sa ACTIEF.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Abellanosa.