Simbahang Katolika: Hindi sagot ang parusang kamatayan vs krimen

 

Nanawagan ang Simbahang Katolika kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado nito sa kongreso na huwag paasahin ang mga Pinoy na ang death penalty ang sagot sa problema sa krimen ng bansa.

Sa harap ito ng pagsusulong ni Pangulong Duterte ng death penalty sa kanyang giyera kontra sa iligal na droga.

Ayon kay Rodolfo Diamante, executive secretary ng Bishops’ Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ang pagbuhay sa parusang kamatayan ay hindi kailan magiging epektibo para matakot ang mga tao na gumawa ng krimen.

Ayon kay Diamante, ang muling pagpapatupad ng death penalty ay isang insulto sa dignidad ng tao at matatawag na quick fix na solusyon sa krimen.

Nanindigan si Diamante na hindi sagot ang pagpatay sa nasabing problema ang death penalty ay walang ipinagkaiba sa usapin ng unplanned pregnancies na gustong sagutin sa pamamagitan ng abortion.

Read more...