Nasa dalawang dosenang Pilipinong negosyante lang sana ang nakatakdang sumama sa pangulo, ngunit sumobra ang dami ng mga nagpa-rehistro na makasama sa China na umabot pa sa 250.
Ayon kay Trade Undersecretary Nora Terrado, hindi pangkaraniwan ang ganitong dami ng bubuo sa isang delegasyon, lalo’t halos isang buwan pa lang ang nakakalipas nang mapagkasunduan ng dalawang bansa ang nasabing pag-bisita.
Mababatid dito na maraming negosyanteng Pilipino ang nagnanais na makipag-usap sa mga Chinese business leaders, pati na sa mga opisyal ng kanilang pamahalaan upang makabuo ng kasunduan sa negosyo.
Inaasahang pagbisitang ito ni Duterte sa China ay posibleng maging hudyat ng pagbabago sa relasyon nito at ng Pilipinas na nabahiran ng problema sa teritoryo sa South China Sea.