Hepe ng Albuera, Leyte naghain ng reklamo laban sa mga local officials sa Visayas kaugnay sa illegal drugs trade

albuera leyteNaghain ng reklamo ang pulis ng Albuera, Leyte laban sa anim na public officials sa Visayas dahil sa diumano’y pagkakasangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon sa hepe ng pulisya ng Albuera na si Chief Inspector Jovie Espenido, ang mga reklamo ay nakahain laban sa isang tagausig, tatlong kapitan ng barangay, isang konsehal at isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology.

Bago pa man ito, nakatanggap na ng mga banta sa buhay si Espenido.

Ito ay base sa booklet na narekober ng pulisya mula kay Albuera Mayor Rolando Espinosa na arestado dahil sa iligal na droga.

Maliban sa booklet, nasabat din ng pulisya ang dalawa pang libro at ilang pocket notes mula kay Espinosa na ginagamit sa case build-up laban sa mga opisyal.

Read more...