Look out order vs De Lima, walang basehan ayon kay Sen. Ping Lacson

de lima lacson
Inquirer file photo

Kung si Sen. Ping Lacson ang tatanungin, walang basehan ang pagpapalabas ng Immigration Bureau ng look out order laban kay Sen Leila De Lima.

Ngunit sinabi ni Lacson na sa palagay niya ay wala naman masama sa pagpapalabas ng utos ng kawanihan.

Kasabay nito ang pagtataka ni Lacson sa hindi pa pagsasampa ng kaso laban kay De Lima gayung panay ang mga pahayag na may sapat na ebidensiya laban sa senadora.

Aniya dapat ay ipaliwanag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang hindi pa pagsasampa ng mga kaso o kahit aniya pagsasagawa ng preliminary investigation.

Base din sa naobserbahan niya sa pagtestigo ni Jaybee Sebastian sa Kamara, mabigat ang mga isiniwalat ng convicted kidnapper at aniya sinusuportahan nito ang mga sinabi ni Herbert Colanggo.

Bagamat dagdag ni Lacson, ang mukhang nagbabanggaan ang pahayag ay sina Sebastian at Joenel Sanchez.

Read more...