Ilang kawani at opisyal ng LTFRB, iniimbestigahan dahil sa katiwalian

ltfrbSiyam na empleyado kabilang ang dalawang regional director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang iniimbestigahan ngayon dahil sa katiwalian.

Sa inilabas na ulat ni LTFRB chairman Martin Delgra III, kabilang sa mga iniimbestigan ang isang regional director sa Region 8 at ang officer-in-charge ng Cordillera Administrative Region o CAR.

Dahil sa nabanggit na imbestigasyon, isinailalim ang nabanggit na mga opisyal sa suspensyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa kanila.

Sa kabila nito, hindi naman inilabas ang pangalan ng mga opisyal na iniimbestigahan ngayon dahil sa katiwalian.

Maliban dito, apat na empleyado ng LTFRB sa Region 1 ang iniimbestigahan habang tatlo naman ang iniimbestigahan din sa NCR office.

Kasunod nito, muling nagbabala ang LTFRB sa kanilang mga empleyado na masasangkot sa katiwalian dahil tiyak na papanagutin nila ang mga ito.

Read more...