Sariling emergency hotline 122, ilulunsad ng Quezon City

 

Inquirer file photo

Matapos ang anim na taong pagbuo at paghahanda, ilulunsad na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang sariling emergency hotline na 122.

Ito’y bukod pa sa umiiral nang nationwide na emergency hotline 911 at citizen complaint hotline 8888 na inilunsad ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, maari nang tumawag ang mga residente, bisita o kahit pa iyong mga bumi-byahe sa Quezon City sa 122 hotline na didirekta sa Emergency Operations Center ng lungsod na bukas 24-oras araw-araw.

Magkakatuwang naman sa pangangasiwa ng mga tawag ang Quezon City Police District, Bureau of Fire Protection, pati na rin ng Department of Public Order and Safety,  Disaster Risk Reduction and Management Office, Radio Communications Service at Public Affairs and Information Office ng lungsod.

Read more...