Davao Del Norte at Sultan Kudarat, nilindol

2015_0730_2101_B1Magkasunod na niyanig ng lindol ngayong umaga ang Davao Del Norte at Sultan Kudarat.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) unang tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Kapalong, Davao del Norte.

Ang lalim ng nasabing pagyanig ay 3 kilometers lamang at naganap alas 4:42 ng umaga.

Nasundan ito ng magnitude 3.4 na lindol sa Palimbang Sultan Kudarat alas 5:01 ng umaga. May lalim namang 23 ang pagyanig.

Ayon sa Phivolcs walang naitalang intensities sa dalawang lindol at kapwa tectonic ang pinagmulan ng pagyanig./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...