Boyfriend ng pinatay na kapatid ni Maritoni Fernandez, patay din sa buy-bust

 

 

Patay sa mga tama ng bala ang boyfriend ng pinaslang na kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez matapos umano itong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation, nitong Linggo.

Sa report ng Quezon City Police, nakilala ang napatay na si Leandro Antonio Kanahashi alyas LA na nakipagpalitan umano ng putok sa mga tauhan ng QCPD anti-narcotics team.

Nasawi rin ang isang hindi pa nakilalang kasamahan nito sa buy bust operations samantalang nasugatan naman ang tauhan ng QCPD District Special Operations Unit na si PO2 Julius Albao.

Kinumpirma ni QCPD Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar na isa si Kanahashi sa kanilang itinuturing na ‘person of interest’ sa pagkamatay ng girlfriend nitong si Aurora Ma. Moynihan, na kapatid ni Maritoni.

Isa rin umano ito sa mga huling nakasama ng biktimang si Moynihan bago ito pinaslang.

Si Moynihan ay natagpuang patay sa Temple Drive sa Bgy. Ugong Norte, QC noong September 10.

Sa ulat ng QCPD, nakipagbarilan umano si Kanahashi  sa kanilang mga operatiba sa Bliss 2 building, Mapagkumbaba St., Barangay Botocan.

Nakuha umano sa mga ito ang sampung sachet ng shabu at dalawang baril.

Sinasabing isang notorious pusher ang napatay na nagsu-supply ng shabu at mga party drugs sa Metro Manila.

Read more...