NAPC, nag-sorry sa ‘FB post’ laban kina VP Robredo at Agot Isidro

 

Nagpaliwanag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) kaugnay sa isang post sa kanilang social media accounts laban kay Vice President Leni Robredo at sa aktres na si Agot Isidro.

Nakasaad kasi sa post sa Twitter at Facebook account ng NAPC ang mga katagang: “Ang pagkakapareho ni Agot Isidro at VP Leni Robredo–takot silang magutom!”

Dahil dito, nagpost ang NAPC muli sa kanilang Facebook page at sinabing napansin nila ang hindi kanais-nais na pahayag na nai-post sa kanilang social media accounts.

“Certain distasteful statements have been posted in our Facebook page that in no way reflect NAPC’s views or values. We sincerely apologize to Vice President Robredo, Ms. Isidro, and to the public in general. We are now investigating this matter internally,” ayon sa kanilang post.

Giit ng ahensya, hindi ito sumasalamin sa pananaw at pinaniniwalaan ng NAPC.

Humingi sila ng paumanhin ina Robredo at Isidro, pati na rin sa publiko dahil sa pangyayari at tiniyak na iniimbestigahan na nila ang insidente. / Kabie Aenlle

Read more...