Ayon sa opisyal sa Grand’Anse na si Kedner Frenel, kinailangan nang ilibing ng mga otoridad ang ilan sa Jeremie, dahil nagsisimula nang mabulok ang mga ito.
Aniya, sa Grand’Anse pa lamang ay umabot na sa 522 ang nasawi.
Sa ngayon, isa pa aniya sa mga malalaki nilang suliranin ay ang pagkalat ng cholera kaya naman ang nakatuon ang mga otoridad sa pagbibigay ng malinis na tubig, pagkain at gamot sa libu-libong residenteng inilikas at pansamantalang naninirahan sa mga shelters.
Naghiwa-hiwalay na ang mga teams ng pamahalaan sa buong Haiti upang ayusin ang mga ospital o treatment centers at mahanap ang episentro ng cholera outbreak.