Sa kaniyang isinumiteng affidavit, sinabi ni Sy na nagkaroon ng pagpupulong ang mga gang leaders noong 2014 sa kubol ni Sebastian at aniya, naroon din si De Lima na noo’y Justice secretary pa.
Inatasan aniya sila ni Sebastian na magbenta ng iligal na droga para mapondohan ang pagtakbo ni De Lima bilang senador.
Tinukoy pa ni Sy ang mga nakasama niyang gang leaders sa pulong na sina Noel Martinez, Jaime Patio, Rodolfo Magleo, Armand Agujo at Jojo Baligad.
Ayon naman sa affidavit ni Co, napatunayan doon ang lakas ng impluwensya ni Sebastian sa Bilibid at sinabi pa umano nito na dapat gawing sentralisado ang kalakalan ng iligal na droga sa loob ng piitan.
Gayunman, itinanggi naman ni Sebastian na may naganap na ganoong pagpupulong tulad ng sinasabi ni Sy.