Pangulong Duterte, makikusap sa China na payagang makapangisda ang mga Pinoy sa Scarborough shoal  

 

Hindi isususlong ng Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin sa Scarborough shoal oras na bumisita ito sa China sa October 18 hanggang 21.

Sa talumpati ng pangulo sa Lamitan, Basilan, sinabi ng Chief Executive na hindi niya pakikialaman ang naturang isyu.

Paliwanag ng pangulo, kung magalit man ang Pilipinas sa China bunsod ng pangangamkam ng isla, sa hangin lang ito mapupunta dahil wala namang kakayahan ang bansa na makipag giyera.

Sinabi pa ng pangulo, na idadaan niya na lang muna sa pakiusap na ibalik sa mga Pilipinong mangingisda ang pangingisda sa Scarborough.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang ginawa ng China kung saan hindi pinag-export ang Pilipinas ng saging at pinya ngunit kamakailan ay naayos na ito.

Read more...