Defense treaty ng US at Pilipinas, mananatili ayon kay Yasay

 

Inquirer file photo

Pananatilihin ng Pilipinas ang mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika bilang seguridad laban sa anumang pag-atake sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Gayunman, nilinaw ni Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr. ni bagaman ito’y pananatihilihin, hindi naman ito nangangahulugan na hindi na ititigil ang pagiging dependent ng bansa sa alyansang ito.

Sa pahayag na nakapaskil sa website ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi rin ni Yasay na hindi mangingimi ang Pilipinas na putulin ang anumang kasunduan kung hindi na nito naseserbisyuhan ang national interest.

Paliwanag pa ni Yasay, ang pangunahing konsiderasyon ng administrasyong Duterte kaugnay sa pagsusulong ng independet foreign policy ay ang protektahan at itaguyod ang interes ng bansa sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa.

Pero binigyang diin rin ng kalihim na hindi hahayaan ng bansa ang bullying ng anumang bansa para lang manglimos ang bansa sa mga interes nito.

Tatanggihan aniya ng bansa ang anumang alok na ayuda kung may kapalit naman itong pahirap na kondisyon o kung ito ay bahagi ng isang “carrot and stick policy.”

Dagdag pa ni Yasay, dapat makatulong ang nasabing military alliance upang maging self-reliant ang Pilipinas sa pagharap ng anumang banta ng seguridad sa loob man o labas ng bansa.

Read more...