Isa pang dating bodyguard ni De Lima, inilagay na rin sa lookout bulletin

 

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Inilagay na rin ng Department of Justice (DOJ) ang dating bodyguard ni senador Leila de Lima na si Warren C. Cristobal sa immigration look-out bulletin order.

Ginawa ito ng DOJ bilang tugon sa hiling ng National Bureau of Investigation (NBI) na subaybayan ang mga biyahe ni Cristobal at dalawang iba pa.

Ayon sa NBI, si Cristobal kasama sina Mark Noemin A. Adricula at Jose Adrian T. Dera ay may posibilidad na lumabas ng bansa para iwasan ang mga otoridad na nag iimbestiga sa kinalaman nito sa operasyon ng droga sa loob at labas ng New Bilibid Prisons (NBP).

Si Cristobal ay naging kontrobersiyal matapos na ituro ng mga saksi sa Kamara de Representante bilang karelasyon din umano ni De Lima.

Read more...