Sa pagtatanong ni Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe, inusisa nito si Ragos bakit nito nagawang pumasok sa ilegal na gawain gayong may kapangyarihan naman siya na gawan ito ng paraan bilang Bucor Chief.
Pero aminado si Ragos na nang lumapit sa kanya si Ronnie Dayan para pakiusapan na gumawa ng paraan na magproduce O kumalap ng pera para sa kampanya ni Sen. Leila de Lima noong 2016 ay wala na siyang magawa.
Aniya, batid niyang malakas si Dayan kay de Lima kaya hindi na niya ito matutulan.
Tahasang sinabi pa ni Ragos na dahil sa ambisyon niya na mapanatili sa mataas na posisyon at mabigyan ng mas mataas na pwesto ay nagawa siya ng mali.
Aabot sa 14.3 million pesos ang perang ibinigay ni Ragos kay de Lima bago ito mangampanya at tumakbong senadora.