Aabot sa 14.3 million pesos ang halaga ng salapi na idineliver umano ni dating Bureau of Corrections Office-in-charge at National Bureau of Investigation Deputy Director Rafael Ragos sa bahay ni noo’y Justice Secretay at ngayo’y Senador Leila de Lima.
Sa interpelasyon ni Antipolo Rep. Romeo Acop, sinabi ni Ragos na siyam na beses siyang nagdala ng pera kay de Lima.
Kabilang dito ang unang dalawang beses na tig-limang milyong piso, ang ilang beses na P800,000.00 mula sa caterer ng Bilibid at hiwalay na isang milyong piso.
Ayon kay Ragos, hindi na niya kasama sa ibang deliveries si dating NBI agent Jovencio Ablen.
Nabanggit pa ni Ragos na ang unang delivery lamang ang nakita niyang direktang ibinibigay ni Ronnie Dayan kay de Lima.
Ang mga sumunod na batch ng pera ay si Dayan na ang tumanggap.
Kinuwestyon naman ni Acop si Ragos kung bakit siya kumukubra ng pera mula sa hindi kakilala gayung mataas siyang opisyal ng BuCor.
Pero ang sagot ni Ragos ay na sina Dayan at de Lima kasi ang nasa high power noon kaya nais niyang i-satisfy ang mga ito.
Ani pa ni Ragos, noo’y 9 ang level ng kanyang loyalty kay de Lima at inamin niyang nais niyang magpalakas sa dating SOJ.
Nang matanong din kung may natatanggap pa si Ragos, sinabi nitong wala raw napunta sa kanya at sa katunayan ay nabawasan pa siya.