Jaybee Sebastian, handang pangalanan ang umano’y “ninja cops” sa New Bilibid Prison

Jaybee Sebastian | Kuha ni Isa Umali
Jaybee Sebastian | Kuha ni Isa Umali

Handa ang kidnapping convict na si Jaybee Sebastian na ibigay sa Department of Justice ang listahan ng “ninja cops”sa New Bilibid Prison.

Sa pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ni Sebastian na ang “ninja cops” ay mga pulis for show lamang ang ginagawang pangungumpiska ng droga sa loob ng NBP pero ibebenta naman ito sa labas.

Iginiit ni Sebastian na ang mga naturang pulis ang may kasalanan sa paglaganap ng iligal na droga sa Pilipinas.

Sa halip aniya na sunugin o i-surrender ang mga nakukumpiskang droga ay pagpapartehan ito ng mga pulis at ibebenta sa publiko.

Sa ganitong paraan ani Sebastian ay hindi sila pwede hulihin dahil pulis na ang nagbebenta.

Kasabay nito, humiling si Sebastian sa DOJ na ilagay siya sa Witness Protection Program bilang state witness.

Handa aniya siyang isiwalat ang iba pa niyang kaalaman ukol sa nagaganap na drug transactions sa loob ng Bilibid.

Read more...