PAF, may dagdag na C-130 mula sa US

 

Inquirer file photo

Sa gitna ng mga batikos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at ilan sa mga miyembro ng Gabinete nito, dumating pa rin sa bansa ang isang C-130 plane na nagmula sa Amerika.

Dumating na kahapon sa Mactan Cebu ang Lockheed C-130 Hercules type cargo aircraft na nakuha ng PIlipinas mula Amerika sa ilalim ng United States Excess Defense Articles (EDA) program.

Ang naturang eroplano ay ang ikalimang C-130 ng Pilipinas.

Ayon kay Air Force Spokesperson Col. Antonio Francisco, magsisilbing piloto ng eroplano ang kauna-unahang babaeng nasertipikahan bilang ‘pilot in command’ ng isang C-130 na si Major Marjorie Mukay.

Sa ngayon, bukod sa limang C-130, may tatlong Airbus Military C-295 medium aircraft at tatlong Fokker F-27 transport plane ang Philippine Air Force.

Read more...