Dalawang bagyo, nasa labas ng PAR

 

Mula sa pagasa

Dalawang tropical cyclones na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan ngayon ng PAGASA.

Sa pinakahuling update ng Pagasa, namataan ang bagyong ‘Aere’ o ‘Julian’ sa layong 500 kilometro sa west northwest ng Basco, Batanes.

Hindi ito halos gumagalaw,  sa kanyang posisyon at pinaiigting ang habaat sa northern at central Luzon.

Samantala, isa pang bagyo ang namataan ng Pagasa sa latong 2,870 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Ang naturang bagyo ay may international name na ‘Songda’ taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kph at bugso na umaabot sa 95 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30kh sa direksyong west northwest.

Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos at Gitnang Luzon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Read more...