Pera mula China, hihikayatin ni Duterte

 

Inquirer file photo

Pangunahing prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte na makahikayat ng mga mamumuhunan mula sa China sa kanyang pagbisita sa naturang bansa sa October 19 hanggang 21.

Ayon kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez, ngayon na ang ‘golden moment’  upang makakumbinsi ng mga foreign direct investments mula sa China dahil na rin sa magandang lagay ng ating ekonomiya.

Ayon kay Dominguez, kabilang sa mga maaring paglaanan ng pondo mula sa mga Chinese investors ay ang bagong railway system na mag-uugnay sa Maynila at Southern Luzon.

Bukod dito, maaari ring paglaanan ng pondo ang mga power grid, at iba pang proyekto na tiyak na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya at pagpapaganda ng buhay ng mga Pinoy.

Maari aniyang magmula ang mga investment sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na multilateral development lender ng Beijing.

Gayunman, kinakailangan pa munang dumaan sa ratipikasyon ng Kongreso ang membership ng Pilipinas sa AIIB.

Read more...