EO sa nationwide smoking ban, malapit nang ilabas

 

Inquirer file photo

Inaasahang ngayong buwan na malalagdaan ng pangulo ang isang executive order (EO) na magbabawal sa paninigarilyo sa buong bansa.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, gagawing 100 percent smoke-free ang lahat ng pampublikong mga lugar sa buong bansa sa ilalim ng naturang executive order.

Layon din nitong bigyan ng mas madiin na suporta ang sa pag-amyenda ng Kongreso sa Tobacco Regulation Act of 2003 o Republic Act 9211.

Nakasaad na kasi sa Section 5 ng naturang batas ang Smoking Ban in Public Places, pero layon ng mga mambabatas na mas paigtingin pa ang pagpapatupad nito.

Sa ngayon aniya, maigi pa nilang binubusisi ang pag-amyenda sa RA 9211 dahil sa maraming isyu at gray areas na mayroon dito, kabilang na ang pagtatalaga ng mga smoking areas at point-of-sale advertisements.

Ang nasabing EO na inaasahang lalagdaan na ngayong Oktubre ay magiging katulad ng kasalukuyan nang ipinatutupad sa Davao City kung saan namuno bilang alkalde si Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...