Mga opisyal ng Maynila, inaatasang magpa-drug test

 

Check-up. Medical report and urine test strips
Check-up. Medical report and urine test strips

Inatasan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga opisyal ng barangay, mula chairman hanggang councilor, na dumaan sa drug testing.

Batay sa Executive Order 292 o administrative code 1987, tatanggalin sa posisyon at papatawan ng criminal at administrative charges ang sinumang empleyado ng gobyerno na magpositibo sa nasabing drug test.

Ayon kay Estrada, sinisira ng mga ito ang tiwala ng mga bumptong mamamayan sa kanila kung kaya’t dapat silang matanggal sa pwesto.

Agad na ipinatupad ito ni Estrada matapos ang nangyaring anti-drug operation sa Quiapo kung saan patay ang pitong suspek kasama ang high-value target na si Barangay 649 Chairman Faiz Macabato.

Kamakailan, dumaan na sa isang drug testing sina Estrada, Vice Mayor Honey Lacuna at iba pang miyembro ng city council kung saan lumabas na negatibo ang lahat sa ilegal na droga.

Read more...