Walang Pinoy na naapektuhan ng Hurricane Matthew – DFA

Matthew-Haiti-destructionWalang Pilipino ang naapektuhan ng Hurricane Matthew na nanalasa sa Haiti at ikinasawi ng maraming residente bago tumama sa ilang bahagi ng Amerika.

Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, sa kasalukuyan ay wala silang natatanggap na report kung may mga Pinoy na apektado ng Hurricane Matthew.

Batay sa huling ulat, humigit-kumulang siyamnaraan (900) na indibidwal ang namatay sa Haiti dahil sa Hurricane Matthew.

Hindi naman bababa sa labing tatlong tao mula sa tatlong states ng Amerika ang nasawi, samantalang 2.2 million na mga tahanan ang walang kuryente, habang malawakan pa rin ang baha.

Read more...