Tauhan ng MMDA, arestado sa pagtutulak umano ng droga sa mga driver

 

Kalaboso ngayon ang isang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA matapos maaresto sa isang buy-bust operation sa Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Dexter Lucas, na nahuli sa bahagi ng Muñoz.

Pero bukod sa pagiging tulak ng droga, si Lucas ay nagpapakilala bilang miyembro ng Philippine National Police o PNP-Highway Patrol Group.

Nakumpiska kay Lucas ang isang motorsiklo at ilang IDs.

Kliyente umano ng suspek ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan.

Sa kasalukuyan ay nakakulong si Lucas sa Quezon City Police District o QCPD Station 2.

Read more...