Isang funeral ceremony sa Yemen, inatake ng airstrikes

 

Photo c/o: BBC News
Photo c/o: BBC News

Umabot sa 140 katao ang patay habang 525 naman ang sugatan sa nangyaring airstrikes na tumama sa isang funeral ceremony sa community hall sa Sanaa, Yemen.

Ayon sa opisyal ng United Nations, itinuturo ng rebeldeng grupong Huthi ang nangyaring pagsabog sa Saudi-led coalition.

Agad na pinasimulan ni Jamie McGoldrick, UN humanitarian coordinator sa Yemen, ang imbestigasyon at inabisuhan ng international community na maghanda sa upang masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Giit pa ni McGoldrick, dapat tumigil na ang karahasan sa mga sibilyan sa Yemen.

Sa pahayag ng AFP ng Yemen, sinabi ng Saudi-led coalition na wala silang naging operasyon sa nasabing lokasyon at dapat ikunsidera ang ibang posibleng dahilan ng insidente.

Itinalaga ang nangyaring airstrikes bilang pinakamatinding pag-atake simula ng magkaroon ng bombing campaign upang magpakita ng suporta kay Yemeni President Abedrabbo Mansour Hadi.

Sa ngayon, umakyat na sa mahigit-kumulang 6,700 katao, kung saan karamihan dito sibilyan, ang napatay sa Yemen simula ng masangkot ang rebeldeng alyansa ayon sa United Nations.

 

Read more...