Ang impormasyon ay inilabas ng opisina ni Lacson kahapon.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, ang trio ay nag-demand umano ng pera sa isang babae.
Ang tatlong suspek ay kinilalang sina Dina Joson Castro, 34; Roberto Fajardo, 51; at Ariel Balotro, 35.
Si Castro ay nagpakilala sa isang Mercedez dela Cruz, na ang anak ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Nangako raw si Castro na kakausapin ang inquest prosecutor para mapabilis ang resolusyon sa kaso ng anak ni dela Cruz at upang makapaglagak ng piyansa.
Nakumbinsi umano ng grupo ni Castro si dela Cruz dahil sa pangakong aayusin ang kaso sa pamamagitan ng opisina ni Lacson, at nangikil ng P320,000.00.
Muling nakipag-ugnayan si Castro kay dela Cruz noong October 6 at nag-demand ng karagdagang P30,000.00.
Pero tinawagan ni dela Cruz ang opisina ni Lacson na tumanggi na empleyado nila sa Castro.
Tiniyak naman ng tanggapan ni Lacson na hindi sila sangkot sa naturang masamang gawain at lalong hindi nila ito kinukunsinti.
Ang tatlo ay nahaharap sa mga kasong robbery extortion at usurpation of authority.