Dumaan ang Hurricane Matthew sa gitnang bahagi ng McClellan Ville sa South Carolina, sa pagitan Charleston at Myrtle Beach bago mag-alas onse ng umaga, oras sa Amerika.
Ayon sa National Hurrican Center, tumagal ng ilang oras ng bagyo sa nasabing lugar na may pagbugso ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras.
Maliban sa daan-daang naitalang patay sa timog-silangang bahagi ng Amerika, daan-daang libong dolyar din ang kabuuang halaga ng sira sa power outages mula Florida hanggang North at South Carolina.
Ayon naman kay North Carolina Governor Pat McCrocy, umangat na sa tatlo ang bilang ng patay sa nasabing lugar.
Batay naman sa 5 PM advisory ng hurricane center, asahan pa rin ang pag-ulan sa silangang bahagi ng Interstate 95 sa North Carolina kahit hihina na ang nasabing bagyo sa susunod na apat na pu’t walong oras.
Asahan din ang storm surges na aabot sa 5 hanggang 7 feet mula Murrells Inlet sa South Carolina hanggang Duck sa North Carolina.
Samantala, sinabi ni McCrory na may potensyal na ito na ang pinakamatinding pagbaha na naranasan sa nasabing lugar mula naidulot ng Hurricane Floyd noong 1999.