Ayon kay Borromeo, hindi ito simpleng proseso, kaya dapat walang transportation project ang maging standalone.
Dagdag pa niya na maaring ang inilalatag na solusyon sa isang sektor ay maaring maging problema sa ibang sektor.
Aniya ang intension ng transportation system ay makapaghatid ng mga pasahero sa kanilang mga destinasyon.
Noong September 9 ay napagkasunduan ng Department of Transportation (DOTr) at ng mga private sector stakeholders na itatayo ang MRT-LRT common station sa pagitan ng SM North EDSA at TriNoma sa Quezon City.
Ang naturang common station ay magdurugtong sa LRT Line 1, MRT Line 3 at ang itatayo pa lang na MRT Line 7.