Vargas, ipinangakong tatalunin si Pacquiao

sports.inquirer.net file photo

 

Pinaligiran ni Jessie Vargas ang kanyang sarili ng kanyang bersyon ng Dream Team na siyang tutulong sa kanya matalo si Senator Manny Pacquiao sa kanilang laban sa November 5, 2016 sa Las Vegas, Nevada, USA.

Binigyang diin ni Vargas na dahil sa kanyang ‘home soil’ gaganapin ang sagupaan na siyang lalong nagpapalakas ng determinasyon na mapapabagsak si Pacquiao sa Thomas and Mack Center.

Nagsisilbing chief trainer ni Vargas si dating MMA campaigner at striking expert na si Dewey Cooper habang sa endurance at stamina na aspeto naman si David Hayes at bilang cutman naman si Rafael Garcia.

Sa nakaraang apat na linggo ay regular na nasa Top Rank Gym ito bukod sa dalawang beses kada linggo na roadwork sa Mount Charleston.

Ayon sa ace publicist na si Lee Samuels, na nagsisilbing shadoe ni Vargas na tinatakbo ang Lee Canyon Trail na isang aspalto at paakyat sa layong limang milya.

 

 

 

Read more...