Duterte pikon na sa mabagal na internet connection sa Pinas

Smartphones
Inquirer file photo

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na matagal na siyang nagdurusa sa masamang serbisyo ng mga telecommunication firms sa bansa.

Sa kanyang pahayag mula sa Banana National Congress sa Davao City, sinabi ng pangulo na dismayado siya sa mabagal na internet connections ng mga telcos na kinabibilangan ng PLDT, Smart, Sun at Globe.

Kapag hindi inayos ng mga telcos ang kanilang mga serbisyo ay bubuksan umano niya ang bansa para sa mga telecom companies mula sa ibang bans tulad ng China.

Sa ganitong paraan umano magkakaroon ng magandang labanan para ayusin ng mga telcos ang kanilang serbisyo.

Ikinuwento rin ng pangulo na ilang beses na niyang naranasan na ang isang text message ay aabutin pa ng magdamag bago matanggap ng isang pinadalhan ng mensahe.

Sinabi naman ni Presidential Communication Office Sec. Martin Andanar na pinag-aaralan na rin sa ngayon ang posibilidad na mismong ang gobyerno ang magtayo ng sariling telecom company na magbibigay ng maayos na serbisyo sa publiko.

Read more...