Ilang Brgy. officials hadlang sa mga drug operations ayon sa PDEA

Wilkins
Inquirer file photo

Dismayado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakasangkot ng ilang barangay officials sa iligal na droga sa Metro Manila.

Sinabi ni PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva na maraming mga barangay chairman dito sa Metro Manila ang matamlay ang pakikitungo sa kanila lalo na sa mga impormasyon na kanilang hinihingi sa mga ito laban sa illegal drugs.

Ipinaliwanag ni Villanueva na marami sa kanilang mga operasyon at matagumpay na buy-bust operations ay bunga ng masipag na pagbibigay ng impormasyon ng kanilang mga assets.

Kahapon sa isinagawang anti-drug operations ng Philippine National Police (PNP) sa Quiapo ay napatay si Brgy. 48 Chairman Faiz Macabato makaraan umano siyang manlaban sa mga pulis.

Si Macabato ay isang high value target ng mga pulis dahil sa kanyang pagkakasangkot sa isang sindikato ng droga.

Siya ay may patong sa ulo na P1 Million.

Read more...