Hiniling ng Manila Science High School sa Korte Suprema na bilisan na ang pagdedesisyon sa petisyon na humihiling ng Temporary Restraining Order o TRO para sa pagpapatupad ng K-to-12 program ng Department of Education.
Naghain ng Urgent Motion for Early Resolution ang eskwelahan sa pamamagitan ng kanilang abugadong si Atty Ver Brillantes.
Ayon kay Brillantes, nais nilang aksyunan na ng Supreme Court ang kanilang petisyon lalo na ang hiling na mapagbigyan ang higit 300 Grade 10 o 4th year high school students ng Manila Science High School na mapayagang kumuha ng entrance exam sa UP.
Hanggang sa katapusan ng Hulyo na lang raw kasi ang pagsusumite ng application sa UPCAT para sa August 30 entrance exam.
Kabilang ang Manila Science high school sa mga naghain ang petisyon sa Korte Suprema na humihiling na ideklarang illegal at unconstitutional ang K-12 program./ Ricky Brozas