Panghapong klase sa ilang lugar sa Zambales, sinuspinde

walang pasokNagsuspinde na ng klase sa dalawang bayan sa lalawigan ng Zambales dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan.

Sinuspinde ang panghapon na klase sa Subic at sa San Felipe Zambales all levels, public at private.

Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan sa lalawigan ng Zambales at mga kalapit na lalawigan sa central Luzon.

Ilang beses nang nagtataas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Zambales, Bataan at Tarlac bunsod ng pag-ulan na dulot ng Habagat.

Ang una ay kaninang alas 8:00 ng umaga na sinundan ng alas 11:00 ng umaga.

Samantala, sa abiso ng PAGASA alas 2:00 ng hapon, pinanatili ang pag-iral ng yellow rainfall warning sa Zambales at Bataan.

Habang nakararanas naman ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, bahagi ng Bulacan, Batangas at Quezon.

 

 

 

Read more...