Naaresto na ang suspek sa naganap na madugong pambobomba sa Davao City night market noong nakalipas na buwan.
Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines.
Sa advisory ng AFP, nakatakdang iprisinta ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naaresto suspek ngayong hapon ng Biyernes.
Maliban dito, wala nang ibinigay na iba pang detalye ang AFP.
Una nang nag-alok ang Davao City government ng P3 milyong pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek.
Matatandaang binulabog ng isang malakas na pagsabog ang Roxas Night Market noong September 2.
Aabot sa labinglima katao ang nasawi habang sugatan naman ang marami dahil sa naturang pagsabog.
Dahil dito, nagdeklara ng state of national emergeny on the lawless violence si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa.