Ang datos ay mula sa US Coast Guard.
Sa isang bayan pa lamang sa Haiti labis na naapektuhan ay umabot na sa 50 katao ang nasawi.
Karamihan sa mga nasawi ay nabagsakan ng puno at debris at ang iba ay nalunod.
Sa Jeremie City, 80% ng mga gusali ang binaha at sa Sud province, tinatayang nasa 30,000 na bahay ang nawasak.
Tumama na rin ang bagyo sa Bahamas na nagresulta naman sa malawakang power interruption doon.
Ang category 4 storm ay patungo na sa Florida.
Sa ngayong, 20,000 customers na ang walang kuryente sa Florida dahil unti-unti nang nararamadaman ang hagupit ng Hurricane Matthew.
Idineklara na rin ni President Barack Obama ang state of emergency sa Florida, habang ang mga residente ay pinapayuhan nang manatili sa mas ligtas na lugar.